Nagturo ng Filipino sa loob ng klasrum sa loob ng 7 taon. Ngayon naman ay nagtuturo ng Filipino nang one-on-one.
Makatitiyak na wasto at masaya ang inyong matututuhan sa pag-aaral nito. Matututo kayo ng mga teknikal na bagay kasama ang kultural na aspekto ng wika. Anuman ang pangangailangan o dahilan ng pag-aaral ninyo ng Filipino ay maaari kong matugunan.
Handa akong magturo ng iba't ibang aspekto ng wikang Filipino. Maaari akong magturo ng gramatika at panitikan. Maaari din akong magturo ng aralin sa paggamit at pagsasalita ng wikang Tagalog. Mayroon akong sapat na karanasan para magturo sa iba't ibang gulang.
May tatlong pangunahing paraan ng pagtuturo. Una, maaari nating sipatin at suriin ang iba't ibang pangungusap nang sa gayon ay higit mo itong maunawaan. Ikalawa, maaari nating pag-aralan ang wika sa paraang "thematic" kung saan, matututo ka mula sa iba't ibang makatotohanan at makubuluhang tema. Huli, maaari tayong magpokus sa kakayahan mo magsalita. Maraming salamat!